Partida

f. Ang pagalís; pagtungo; ó paglipat sa ibáng lugál.

Talâan; ó kasulatan ng pagkábinyagan, pagkákumpil, pagkákasál ó pagkamatáy ng sinomán.

Mil. Ang pulutóng ng mga sundalong pasa sa ibáng lugál.

Ang dami ng anománg kalakal, gaya ng palay, asukal, at ibá pa.

fig. Ang kamátayan.