Hospedaje

m. Pagpapatulòy at pagkakalingà sa sinománg tao.

Panunuluyan.

Hospedar

a. Patuluyín; pasunùin ang kapuwà.

r. Manuluyan; makisunò.

Hospicio

m. Bahay ampunan ng mga dukhâ at nangingibáng bayang mahirap.

Hospitalidad

f. Pagpapatuloy at pagkakalingà sa mga nangingibáng bayan at sa mga marálitâ.

Ang pagkamapagpatuloy, ó mabuting pagtanggáp sa mga tagá ibáng bayan.

Ang pagkatirá ng may sakít sa págamutan.

Hostería

f. Bahay na túluyan at may pagkaing ibinibigáy sa sinománg nagbabayad.

Hostigar

a. Uyamín; balisahín; birúbirùin ang kapuwà.

Hostilidad

f. Panganganyayà ó pamúmuksâ sa kaaway sa panahón ng digmâan.

Gawâng sarili ng isáng kaaway.

Romper las hostilidades. fr. Mil. Pasimulán ang pagdidigmâan, na salakayin ang kaaway.

Hostilizar

a. Ipanganyayà; tampalasanin; puksâin ang kaaway.

Hoy

adv. t. Ngayón; ó ngayóng araw na itó.

Ngayóng panahóng itó; ó sa panahóng kasalukuyan.

De hoy en adelante. m. adv. Buhat sa araw na itó.

Hoya

f. Malakíng hukay na ginawâ sa lupà.

Báunan; líbingan.

Hoyo

m. Yungíb; lunggâ.

Hukay; lubák.

Báunan; líbingan.

Hoz

f. Lilik; lingkáw; panggapas.

Hozadero

m. Lugál na sinusungkalán ng baboy.

Hozadura

f. Hukay ó bakás na pinagsumbangan ng hayop.

Hozar

a. Sungkalín; sumbangín; sulasurin ng baboy ang lupà.

Hueco, ca

adj. Guwáng; hunkág. Ginágamit ding parang substantivo.

fig. Hambóg; palalò; mayabang.

m. Pagitan ng panahón ó poók.

fig. Hanapbuhay ó katungkulang walâng humáhawak ó bakante.

Huelga

f. Panahóng waláng gawâ ang sinomán.

Pagaklás; aklasan.

Paglilibáng; pagliliwalíw.

Pagpapahingá.

Huella

f. Bakás; yapak ng paá.

Pagyasak; pagyurak.

Ang lapad ó ibabaw ng baitang na tinútuntungán ng paá.

Bakás ng anománg bagay.

Seguir las huellas de uno. fr. fig. Sundín ó parisan ang ginawâ ng sinomán.

Huello

m. Lugál ó lupàng tinútuntungán.

Pagyapak ng kabayo.

Talampakan ng hayop.

Huero, ra

adj. Bugók na itlóg.

fig. Walâng lamán at walâng lasa.

Huesa

f. Líbingan; báunan.

Hueso

m. Anat. Butó.

Bot. Butó ng iláng bungang kahoy.

Huésped, da

m. y f. Panauhin; nanúnuluyan; nakikisunò.

Ang may arì ng bahay na pánuluyanan.

Huésped de honor. Ang pinararangalán; ó ipinagdangál.

Hueste

f. Ang hukbóng nakikipagbaka. Lalòng ginágamit sa plural.

Huevar

n. Magpamulâng magkaitlóg ang ibon.

Huevero, ra

m. y f. Magiitlóg; ó mángangalakal ng itlóg.

Huida

f. Pagtakas; pagtanan; pagtakbó; paglayas.

Pag-ilag; paglayô.

Huir

n. y r. Tumakas; tumanan, ó magtanan.

Umilag; lumayô.

Lumipas; magdaán ang panahón ó gulang.

fig. Lumayông matulin ang anomán.

Lumayô; umilag sa anománg bagay na masamâ.

Humanidad

f. Ang pagkatao; ó kalikasan ng tao.

Katauhan; sangkatauhan.

Karupukán ó kahinàang sarili ng tao.

Kalubayán; kabanayaran ng loób.

fam. Katabâan; kalakhán ng katawán.

Humanitario, ria

adj. Masintahin sa kapuwà ó sa sangkatauhan.

Makatao; ó ang náuukol sa ikagagalíng ng mga tao.

Humano, na

adj. Ang ukol sa tao ó sarili niyá.

fig. Malubáy na loób; maawàin sa kapuwà.

m. Ang tao.