Mácula

f. Dungis; mansá.

fig. Ang bagay na nakasísirà ng puri.

Madeja

f. Labay.

fig. Ang lalaking tamád at pabayà.

Maderaje

m. Katipunan ng mga kahoy, na gagamitin sa isáng bahay, gusalì, ó sa ibá pang bagay.

Maderería

f. Tindahan ng kahoy; ó lugál na pinagtitinggalán ng kahoy.

Madero

m. Kalap na malakí at mahabà, na ang karaniwan ay parisukát.

Pirasong malakí ng kahoy na tabás sa apat na mukhâ at isinásangkáp sa pagpapatayô ng bahay.

Madrastra

f. Ali sa pakinabang; ó asawang kaulî ng amá, ukol sa mga anák nitó.

Madre

f. Iná; nanay.

Ang babaing nanganák na.

Ngalang itinátawag sa mga religiosa.

Ang bahaybatà.

fig. Ang dahilán, punò ó ugát na pinanggalingan ng isáng bagay.

Madriguera

f. Ang lunggâ ó yungíb na tinátahanán ng mga koneho, at ibá pang hayop.

fig. Ang tagùan ó kanlungan ng mga taong masamâ ang pamumuhay.

Madrina

f. Iniiná; ó ninang sa pagbibinyág, sa pagkukumpíl ó sa pagkakasal.

Ang babaing nagaampón sa isáng tao sa anománg hináhangád.

Madrugada

f. Ang madalîng araw; ang bukángliwaywáy.

Ang paggising sa madalîng araw; ó pagbabangon ng lubhâng maaga.

De madrugada. m. adv. Sa madalîng araw; ó maagang-maaga.

Madrugador, ra

m. y f. Ang gumígising ng maagangmaaga; ó ang may ugaling gumising ng madalîng araw.

Madrugar

n. Gumising ng madalîng araw; ó bumangon ng maagangmaaga.

fig. Umagap.

Maduradero

m. Ang lugál na páhinugan ng mga bungang kahoy.

Madurar

a. Pahinugín ang bunga ng kahoy.

n. y r. Mahinóg.

fig. Tumandâ; magkaisip; magkabaít.

Madurez

f. Kahinugán; pagkahinóg.

fig. Ang katalinuhan ó kabáitan sa pamumuhay.

Katandâan; kagulangan ng tao.

Maduro, ra

adj. Hinóg.

fig. Mabaít; marunong; matalino.

Matandâ; magulang na tao.

Maestra

f. Ang babaing nagtuturò ng anománg sining, hanapbuhay ó buldá sa mga batàng babae.

Ang babaing gurò sa isáng páaralán.

Ang asawa ng maestro.

Maestría

f. Kabihasnán at kahusayang gumawâ ó magturò ng anomán.

Ang pagkagurò; ó pagkamaestro.

Maestro

m. Ang gurò; ó nagtuturò ng isáng dunong ó sining.

Ang sanáy ó bihasá sa isáng hanapbuhay ó gawàin.

adj. Sinásabi sa mga gawâng dakilà ó lubhâng mahusay ang pagkayarì, na magagawâng huwaran ng kaparis niyá.

Magia

f. Sining na nagtuturò ng paggawâ ng mga kababalaghán ó ng mga katakátakáng bagay.

Salamangká.

Mágico, ca

m. y f. Magsasalamangká.

adj. Ang náuukol sa mahiya ó salamangká.

fig. Kahangàhangà; kagilágilalás.

Magisterio

m. Kagurùan; ó ang pagtuturò at pamamahalà ng gurò sa mga tinuturùan.

Katibayan ó taás ng pagkagurò na ibinibigáy sa isáng páaralán.

Ang paggugurò; ó ang katungkulan ng gurò.

Ang katipunan ng mga gurò sa isáng bayan, lalawigan, at ibá pa.

Magistrado

m. Ang punòng mataás sa isáng kaharian ó bayan.

Ang hukóm na mataás.

Ang karangalan ó katungkulan ng pagkahukóm.

Magistral

adj. Ang náuukol sa gurò ó kagurùan.

Ang anománg ginágawâ ng buóng husay.

Magistratura

f. Katungkulan at karangalan ng magistrado.

Panahóng itinagál ng katungkulang itó.

Katipunan ng mga magistrado.

Magnanimidad

f. Kalakhán, ó kadakilàan ng pusò; kagandahan ng kalooban.

Magnánimo, ma

adj. Ang may malakí at marangál na pusò; ang may magandáng kalooban.

Magnate

m. Ang taong lubhâng dakilà at makapangyarihan.

Máginoó.

Magnético, ca

adj. Ang náuukol sa batobalanì.

Ang kahíhitít ó nakaháhalina ng ibáng bagay.

Magnetismo

m. Ang bagsík na tagláy ng batobalanì, na humitít ó makahila sa bakal ó sa patalím.

Magnetización

f. Ang pagbatobalanì; ó paghitít ng batobalanì sa bakal.

Magnetizar

a. Batobalaniin; ó hititín ng batobalanì ang bakal.

Magnificar

a. Padakilâin; purihin; itanyág; ibunyî.

Painamin; parikitín.

Magnificencia

f. Kagandahan ng loób sa malakíng pagkakagugol.

Kadakilàan.

Magnífico, ca

adj. Magandáng loób; marangál; dakilà.

Lubhâng marikít.

Marangál na ngalang ibinibigáy sa mga taong dakilà.

Magnitud

f. Ang lakí ó dilág ng isáng bagay.

fig. Ang kalakhán ó kadakilàan ng anomán.

Magro, gra

adj. Payát, ó yayát; kákauntî ó waláng anománg tabâ.

Magullar

a. Bugbugín; papagpasâin.

r. Mabugbóg; mapasâ.

Maitines

m. pl. Dasál sa madalîng araw na ginágawâ sa iláng simbahan.