Monarquía

f. Kaharian.

Ang ayos ng pámahalàan, na iisáng tao lamang ang namamahalà, alinsunod sa mga tadhanà ng kautusán.

Monasterio

m. Bahay ó kombento ng mga monghe.

Alinmáng bahay na tinitirahán ng mga kawal ng religión.

Monástico, ca

adj. Ang náuukol sa kalagayan ng mga monghe, ó nang monasterio.

Monda

f. Paghawan, ó paglinis ng mga punòng kahoy.

Panahóng bagay ipaghawan ng kahoy.

Paghukay ng mga butó ng patáy sa líbingan, na ginágawâ sa isáng tiyák na panahón.

Mondadura

f. Paglinis ng anomán.

Paghawan; pagtalop; pagkayas; pagkalís.

pl. Pinaghawanan; pinagtalupan.

Mondar

a. Linisin ang labis ó dumí ng anomán.

Hawanin; ó putlán ng sangáng labis ó tuyô ang mga punòng kahoy.

Talupan; balukan; kayasan; kalisán.

Gupitán; putlán ng buhók.

fig. Nakawin ang salapî ng ibá.

Mondongo

m. Ang mga bituka at tiyán ng hayop, lalò na ang sa baboy at tupa.

fam. Ang mga bituka ng tao.

Moneda

f. Salapî; kuwalta.

amonedada. Salapíng pilak.

corriente. Ang salapíng ginágamit ó umíiral.

menuda ó suelta. Ang salapíng maliliít ang halagá, gaya ng tig 20, 10, 5, at 1 séntimos.

metálica. Salapíng pilak, upáng mátangì sa salaping papel.

Monedería

f. Ang hanapbuhay na gumawâ ng salapî.

Gawàan ng salapî.

Monetario, ria

adj. Ang náuukol sa salapî.

m. Katipunan ng salapî at medalya ng ibá’t ibáng panahón at lugál.

Monetización

f. Pagpapalibot ó pagpapakalat sa madlâ ng salaping papel.

Monetizar

a. Ikalat ó ipalibot ng Pámahalàan ang papel de banco ó salapíng papel.

Monigote

m. Uldóg.

fig. Ang taong mangmáng at walâng námumuwangan.

Tautauhan; ó larawang katawátawá at masamâ ang pagkagawâ.

Monipodio

m. fam. Úsapan ó kasundùan ng mga tao, na ukol sa layong masamâ.

Monises

m. pl. fam. Salapî; ó kuwalta.

Monitor

m. Tagabalità; tagababalâ; tagapagsabi; tagapangaral; tagapagtuturò.

Monje

m. Ang monghe; ó banál na nagtitirá sa iláng.

Praile.

Mono

m. Zool. Unggóy; matsíng; bakulaw.

fig. Ang taong gumágagád ng ngibít at kilos ng unggóy.

Moño

m. Pusód ng buhók ng mga babae.

Laso, na inilálagáy ó ipinanánali sa buhók.

Ang balahibo ng ibon sa tuktók.

Monocefalia

f. Fisiol. Pagkakákambál ng dalawáng katawán na iisá lamang ang ulo.

Monocéfalo, la

adj. Ang iisá lamang ang ulo.

Tao ó hayop na dalawá ang katawán at iisá ang ulo.

Monogamia

f. Ang pagaasawa ng isáng lalaki sa isáng babae lamang.

Monopolio

m. Paglakom na sarili ng pagbibilí ó pakikinabang ng anománg kalakal.

Kasundùan ng mga mángangalakál na ipagbilí ang kalakal sa isáng takdâng halagá.

Monopolista

m. Ang lumálakom ng pagbibilí ng anománg kalakal.

Monopolizar

n. Lumakom ng anománg kalakal ó hanapbuhay, na pakinabangang sarili ng sínomán.

Monoteísta

com. Ang sumásambá ó sumásampalataya sa isáng Dios lamang.

Montañés, sa

adj. Ang náuukol sa bundók.

Ang tagabundók; ó taong bundók.

Montar

n. Sumakáy; pumanhík; ó umakyát sa anomán.

fig. Magkaroón ng halagá ang anomán.

Magkahalagá; ó umabot ang bilang ng anomán sa isáng kabuùang halagá.

a. Iakmâ, ó iayos sa talagáng lugál ang madlâng sangkáp ng isáng mákina.

Montear

a. Mangaso; ó hanapin at habulin ang pinangangaso sa mga bundók.

Montería

f. Pangangaso ng mga baboy-ramó, usá at ibáng hayop na mabangís.

Sining, ó paraán ng pangangaso.

Montero

m. Mangangaso; ó ang humáhanap at humáhabol ng pinangangaso sa bundók.

Montón

m. Buntón; tumpók.

Talaksán; talumpók; mandalâ.

Moñudo, da

adj. May pusód.

Manók ó ibon na mabalahibo ang tuktók.

Monumental

adj. Ang sarili, ó náuukol sa monumento.