Politeísmo

m. Ang pananampalataya ó religión na naníniwalà sa maraming dios.

Política

f. Ang sining ó karunungan ng pamamahalà sa bayan.

Súliraning bayan.

Ang mabuting paguugali at karunungang makipagkapuwà tao.

Político, ca

adj. Ang náuukol sa polítika.

Magalang; marunong makipagkapuwà tao.

Ang marunong at sanáy sa pamamahalà sa isáng bayan.

Pollada

f. Ang katipunan ng sisiw na akay ng isáng inahín.

Pollero, ra

m. y f. Ang nagaalagà, ó nagbibilí ng manók; magmamanók.

Pollo

m. Sisiw; ó inakáy ng manók ó ibon.

Ang inakáy ng pukyutan.

Poltronizarse

r. Magpagayóngayón; magalisagà; lumayô sa paggawâ.

Polvareda

f. Ang alikabók na nápapaitaás na gawâ ng hihip ng hangin.

Polvo

m. Alikabók; alabók.

Gabók; gilik.

Polvorear

a. Budburán ó sabugan ng alabók ang anomán; gabukán.

Ponderación

f. Ang pagbubulay at pagiingat ng sinásabi ó ginágawâ.

Pagpapalakí ng anomán sa salitâ.

Pagtimbáng.

Ponderal

adj. Ang náuukol sa timbáng ó bigát.

Ponderar

a. Tumimbáng; ó timbangín.

Limiin; wariin; bulaybulayin; isiping mabuti ang anomán.

Pakapurihin; ó palakhín sa sabi ang anomán.

Ponedera

adj. Ang manók ó ibong nangingitlóg na.

Poner

a. Ilagáy; maglagáy.

Ihandâ; igayák; iayos ang anománg kailangan.

Itakdâ; itátag.

Ipagpalagáy.

Pumustá; tumayâ.

Ipaubayà ang anomán sa kalooban ng ibá.

Isulat; ititik sa papel ang dinidiktá ng ibá.

Mangitlóg ang manók ó ibon.

Gamitin; iukol ang anomán.

r. Lumagáy.

Málagay.

Gumawâ ng buóng tamán at tiyagâ.

Lumaban; makiharáp sa ibá.

Astr. Sumibsíb; lumubóg ang araw ó alinmáng talà.

Pontazgo

m. Upa ó bayad sa pagdaraán sa tuláy.

Pontear

a. Gumawâ, ó maglagáy ng tuláy.

Pontífice

m. Ang Obispo ó Arsobispo ng isáng bayan.

Sumo Pontífice. Ang Papa.

Ponzoña

f. Kamandág; lason.

fig. Aral na nakasisirà sa mabuting kaugalian.

Popa

f. Mar. Ang hulí ng sasakyán.

Populacho

m. Ang mga taong pinakamababà sa bayan.

Popular

adj. Ang náuukol sa bayan.

Ang sa bayan; ó sa namámayan.

Ang taong ginígiliw ó minámahál ng bayan.

Popularidad

f. Ang pagkagiliw at pagpuri ng bayan sa sinománg tao.

Popularizar

a. Itanyág ang sínomán ó anomán sa bayan.

r. Mátanyág sa bayan.

Populoso, sa

adj. Matao; ó siudád, bayan ó lugál na lubhâng marami ang tao.

Poquedad

f. Kakauntian; kaliitáng bahagi ng anomán.

Karuwagán; kaumirán.

Poquito, ta

adj. Mahinà ang katawán; ó mahinà ang loób.

adv. m. Kauntî; kamuntî.

Por

prep. Nang; sa; upáng; pará; kapalít ng; dahil sa.

Porcelana

f. Porselana; ó losang pino, makináng at maliwanag.

Porción

f. Ang bahagi ó halagáng muntî na kinuha sa kalakhán.

Pordiosear

n. Magpalimós; ó manghingi ng limós sa baháy-baháy.

Porfía

f. Pagtatalo; pagtutol.

Pagúulitulit; pagpipilit ng anomán.

Porfiado, da

adj. Matigás ang ulo; matutol; masuwayin; dî mapasukang hatol.